top of page

KOMUNDIDAD

HANGAD

Karapatan ng bawat bata mula sa lahat ng antas sa lipunan na mabigyan ng pagkakataon upang gawin realidad ang kanilang mga hangad. Sila ay ang kinabukasan, at ang kanilang edukasyon ay ang magsisimula ng ating kaunlaran bilang bansang Pilipinas.

Ang Himlayan, na nangangahulugang isang lugar ng pahinga sa Filipino, ay isang pagtataguyod na naglalayong maipalaganap ang kamalayan sa isyu ng kahirapan na nakikita sa kabataang Pilipino ngayon. Upang ito’y makamit, gusto naming pukawin ang aming kabataan upang kumilos sa isyung ito sa pamamagitan ng aming mga iminungkahing solusyon.

HIMLAYAN

MGA KULAY NG BAHAGHARI

Ang pangunahing layunin ng kampanya ay ang pagpapalaganap ng respeto sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+ sa internet at sa social media. Gagawin ito sa paraan ng pagpapakita ng mga buhay at pinagdadaanan ng mga LGBTQ+ netizens sa kanilang orihinal na sining.

KKK

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Lahat ng mga mamamayan ay nararapat na bigyan ng pantay na karapatan na pumasok sa paaralan upang madagdagan ang kanilang kaalaman. Dahil dito, ang kampanya ng mga mananaliksik ay ukol sa edukasyon para sa lahat, maging mga mayayaman o mahihirap.

sssssssss_edited.png
WHITEWASHING SA MIDYA

Sa kasalukuyang panahon, makikita sa buong mundo ang isyung kasanayan ng pag-whitewash kung saan mas tanggap sa medya ang mga puti o mga taong nanggagaling sa kanlurang parte ng mundo kaysa sa mga POC (people of color). Dahil dito ang pangunahing layunin namin ay ang pagtigil ng pag-whitewash at pagbibigay oportunidad sa lahat ng lahi, lalo na ang mga POC at hindi lang ang mga puti.

Ang mga lokal na negosyo sa Pilipinas ay nagkakaroon ng mahirap na karanasan upang maging matagumpay na negosyo, ito ay dahil sa ‘kolonial na mentalidad’, kung saan ang mga tao ay mas gusto sa mga produkto galing sa ibang bansa. Kaya, Ha-ya ay isang kampanya na may isang layunin: paunlarin ang mga lokal na negosyo, na tumutulong din sa ekonomiya at ang pagkakakilanlan ng Filipino.

HA-YA

IBALIK ANG KAYUMANGGI

Ang kagandahan ng isang tao ay hindi nakabatay sa kulay ng balat, kundi sa katauhan ng indibidwal na nakaugat sa kanyang kultura. Taglayin ang pagmamahal at pagpapahalaga para dito sa pamamagitan ng pagbubura ng mantsa ng koloniyalismo.

PPK

Nilalayon ng kampanyang ito na ikalat ang kamalayan sa kasalukuyang isyu ng diskriminasyon sa katawan. Nilalayon din nito na lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng positibong mga aksyon at impluwensya sa pagtanggap ng kaisipan sa iba.

Screen Shot 2018-10-23 at 8.50.29 AM.png
SAUNLAD NG SARIBUHAY

Sa paglipas ng panahon, tumataas ang konsentrasyon ng polusyon ng hangin sa bansang Pilipinas. Dahil sa polusyon na nanggagaling sa mga pabrika, kotse, gasolina at eroplano, may mga negatibong epekto sa kalikasan at  sa mga mamamayan katulad na lamang ng sakit sa baga at puso, hika at maaring humantong pa sa kamatayan. Kung kaya’t ang aming layunin ay ang pagpapalaganap at pagsasagawa ng “green roofs” sa bansa nang sa gayon ay mabawasan ang “carbon dioxide” sa hangin upang mapaunlad ang pangangalaga sa kalikasan at ang pagsalba ng napakaraming buhay.

AAAAAA_edited.png
LABAN SA PLASTIC

Naging masyadong depende ang mga tao sa paggamit ng plastik para sa mang araw araw na buhay. Ang sobrang paggamit ng plastik ay isa sa pinakamalubhang problema sa buong mundo. Kailangang bawasan ang paggamit ng plastik dahil ito ay may napakaraming negatibong epekto sa lahat.

KAAMOGOHAN

Ang kampanyang ito ay para sa mga

Lumad na nagdudurusa dahil sa gobyerno ng ating bansa. Ninanais ng kampanyang ito na makatulong sa mga Lumad sa pamamagitan ng pagmamulat tungkol sa tunay na kalagayan ng mga katutubong ito at makapangalap ng mga materyal na donasyon para sa kanila.

  • White LinkedIn Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
segregation_32564580.png
poster.jpg
Ang website na ito ay likha nina Anne Dimapilis, Veronica Espino, at Pilar Fernandez.
bottom of page